Kumain kami ng kaibigan ko sa isang Japanese Restaurant sa Gateway kung saan ang isang table dun eh makikita mo ang kalsada sa baba… Napansin ko na kada i-stop eh hindi maayos ang pagkaline-up ng mga sasakyan, may iba nakatutok ang unahan ng sasakyan sa left side bumper ng nasa unahan nila, may iba naman nasa right side bumper. Gusto nilang i-overtake ang nasa unahan nila? eh di ba nga naka stop? bakit hindi na lang nila tutukan ang mismong likod ng sasakyan? Hay.
Madalas din akong sumakay ng bus pauwi, dahil dadaan na yun sa tapat ng bahay namin. Yamot na yamot ako sa mga driver na pag may nakitang libre eh sisingit ang sasakyan nila, hindi sila nanatili sa isang lane, lalo na yang mga motorsiklo na yan, Hay naku talaga! Isasama ko na ang mga bus na pumipila sa Cubao Ibabaw! Lahat sila pa-i-slant, walang diretso pe-pwesto sila sa harapan ng isang bus, yung nasa likuran nila bubusina dahil aalis na sila at nakaharang yung bus na bagong dating, eh di ang ingay na! Kaya nilalagyan ng mga barrier eh, tapos magrereklamo kayo na nababangga niyo! Eh mga wala kayong mga disiplina! kung may mga disiplina ba naman kayo eh, tingin niyo ba kailangan pa nilang ilagay yang mga concrete barrier na yan?
Hindi ko din maintindihan kung bakit ang mga bus eh kailangan tumambay ng matagal sa isang bus stop! lalo na sa may tapat ng POEA, at sa SM MAKATI. Hindi niyo ba alam na nag aasaksaya lang kayo ng gas, na inereraklamo niyong mahal? Kung hindi kayo tumatambay ng matagal diyan sa mga bus stop na yan eh di sana nakatipid kayo sa gas, at hindi niyo kami kailangang singilin ng mahal sa pamasahe!
Wala pa dyan ang mga dispatcher kuno! Isa pa yan sa nagdudulot ng matinding trapik sa kalsada namin! Mga bossing! Kaya nga may signboard ang mga bus at jeep eh, para alam namin kung saan ang biyahe nila! Hindi po kami mga bulag at tanga para hindi po makita yung mga signboard na iyon! Nangingikil lang kayo! Hindi naman kayo nakakatulong sa mga pasahero eh! Kung gusto niyo pong maging legal ang trabaho niyo, patanggal niyo na lang yung mga signboard ng mga bus at jeep! at saka kayo magsisigaw kung saan papunta ang mga bus at jeep na iyon! Hindi yung pinagmumukha niyo kaming mga tanga at bobo sa kalsada!
Syempre hindi papahuli ang mga pasahero dyan! Hindi sila bumababa at sumasakay sa tamang lugar! Hay naku! May sinigawan nga ko sa bus nung isang araw eh! Dahil baba kami ng Mantrade, eh nagsimula ng magkakatok sa kisame ng bus ang isang lalake:
LALAKE: (tok-tok) Boss Para!
Eh dahil wala pa sa tamang babaan eh hindi siya pinansin ng driver.
LALAKE: BOSS PARA!!! (sabay katok ulit sa kisame, akala niya siguro pintuan yun!)BOSS PARA SABI!!!
dahil napikon na ko, sinigawan ko na yung mama!
AKO: Doon ho ang babaan! Hindi ho dito!
tiningnan ako nung lalake ng masama, syempre tiningnan ko din siya ng masama.
AKO: wala kasing disiplina!
at nung bumaba eh siya eh para siyang nahiya, habang naglalakad papalayo.
Disiplina lang naman eh, yun lang. Kung meron tayo nun, wala na sanang nangongotong na pulis, wala na yung concrete barrier, wala na yung mga picket fences sa kalsada, at malay niyo mawala din ang trapik!
Recent Comments